Mga gulay sa Benguet, nabulok dahil sa clearing ops sa Divisoria

By Kabie Aenlle August 08, 2016 - 04:18 AM

 

Radyo Inqurier file photo

Aabot sa 400,000 kilo ng mga gulay, tulad ng mga carrots at repolyo sa Benguet ang nabulok na lamang at kinailangan nang sirain dahil sa pagpapahinto ng mga pagpapadala nito sa Metro Manila.

Bunsod ito ng clearing operation na isinagawa sa Divisoria na bagsakan ng mga gulay sa Maynila, kung saan ipinagbawal ang pagdaan ng mga truck sa Claro M. Recto.

Ayon sa pinuno ng Benguet Farmers’ Marketing Cooperative na si Augusta Balanoy, aabot na sa P9 million ang halagang nalugi sa mga maggu-gulay.

Hindi aniya inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga supplier ng gulay tungkol sa kanilang itinakdang clearing operation.

Nalaman na lamang aniya ng mga suppliers ang tungkol dito matapos silang itext ng kanilang mga pinagbebentahan ng gulay na hindi na pinapayagan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagbebenta ng gulay sa Recto.

Ilan naman anila sa kanilang mga suki ay binawasan na ang kanilang mga orders dahil na rin sa direktiba ng City Hall.

Dahil dito, hinimok ng Benguet Truckers’ and Drivers’ Association ang pamahalaan ng Maynila na magtalaga ng bagong lugar kung saan nila ibabagsak at ibebenta ang mga gulay nila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.