Indonesian, dinukot sa Sulu sea

 

Isa na namang mandaragat na Indonesian ang dinukot ng mga hindi pa nakikilalang armadong mga kalalakihan sa Sulu Sea.

Naganap ang pagdukot sa hilagang-silangang bahagi ng Sabah, sa bahagi ng Borneo island sa Malaysia.

Ayon kay Indonesian ambassador to Malaysia Herman Prayitno, hinarang ng isang bangkang may sakay na apat na armadong kalalakihan ang vessel na sinasakyan ng dinukot na Indonesian.

Tinangay ng mga kidnappers ang kapitan ng barko na isang Indonesian matapos silang mabigong ibigay ang hinihingi ng mga ito na 10,000 ringgit o $2,500.

Pero ni Prayitno, pinakawalan naman ng mga ito ang dalawang iba pang pahinante na isang Indonesian at isang Malaysian.

Inaalam pa ng Indonesian foreign ministry kung anong grupo ang nasa likod ng pagdukot na ito, at isinailalim na rin sa pagtatanong ng mga Malaysian marine police ang dalawang pahinante kaugnay sa insidente.

Read more...