Vice Mayor sa Cebu pumalag sa pagkakasali sa narco-list

By Kabie Aenlle August 08, 2016 - 04:00 AM

 

Duterte MalacanangIginiit ng isang bise alkalde sa Cebu na isang pagkakamali ang pagdawit sa kaniya sa listahan ng mga narco-politicians na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Vice Mayor Fralz Sabalones ng bayan ng San Fernando sa southern Cebu, nabiktima lamang siya ng mistaken identity, at posibleng ang kapatid niyang si Franz ang tinutukoy ng pangulo.

Ayon kay PO3 Marjukin Misuari ng San Fernando Police Station kung saan tumungo si Sabalones, Linggo ng hapon, sinabi sa kanila ng bise alkalde na hinihinalang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ang kapatid niyang si Franz.

Kasama ni Sabalones na dumulog sa pulisya ang kaniyang asawa at tatlong mga anak na batang babae na pawang nag-aalala sa kanilang sitwasyon.

Kinumpirma naman ni PO1 Charben Sapio na ang nakatatandang kapatid ni Sabalones ay naakusahang may kinalaman sa iligal na droga ngunit ito ay nagtatago na.

Idinetalye naman ng mga pulis sa kanilang blotter report ang posibleng pagkakamali sa pangalan sa pagitan ng magkapatid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.