15 patay sa pagbaha sa Macedonia

By Kabie Aenlle August 08, 2016 - 04:11 AM

 

photo_verybig_16243Labinlimang katao ang nasawi sa flash floods sa Skopje, Macedonia at sa mga lugar na nakapaligid dito dahil sa bagyo noong Sabado ng gabi.

Bukod sa nasabing bilang ng mga nasawi, anim naman ang naitala ng mga pulis na nawawala pa rin hanggang ngayon, habang 22 ang nasugatan.

Isang malaking tipak ng ring road sa Skopje ang natangay ng rumaragasang baha, pati na ang mga sasakyan na napunta sa mga kalapit na kabukiran, ilang daang metro ang layo mula sa kanilang pinanggalingan.

Napuruhan ang northern suburbs ng Skopje sa labis na pagbabaha, maging ang kanilang lungsod.

Tumigil naman na ang pag-ulan pagdating ng Linggo ng umaga ngunit mas maraming ulan pa ang inaasahan pagdating ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.