P200-M Damage Suit, isinampa ni Binay

BInay
Inquirer Photo

Nagsampa si Vice President Jejomar Binay ng P200 million damage suit sa Makati Regional Trial Court laban kina Senators Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay, kabilang din sa kinasuhan sina dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, Atty. Renato Bondal, Ombudsman Conchita Carpio-Morales at ang pahayagang the Philippine Daily Inquirer.

Sa nabanggit na kaso, hinihiling ni Binay na magbayad ang mga respondents ng P200 million na danyos dahil sa umano’y paninira sa sa kaniyang pangalan.
“This shameful exercise is prohibited by law, particularly under Articles 19, 20 and 21 (human relations), 32 (constitutional rights), 33 (civil aspect of libel) and 2176 (quasi-delict) of the Civil Code,” nakasaad sa reklamo ni Binay.

Ayon kay Binay, ang labing-isang buwan nang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee kung saan sina Trillanes at Cayetano ay lumikha umano ng matinding kasiraan sa kaniya at kaniyang pamilya.

Matinding perwisyo din aniya ang naidulot sa kaniya ng pagsasapubliko naman ng Inquirer ng freeze order sa kaniyang bank accounts at sa bank accounts ng mga taong malalapit sa kaniya./Ruel Perez

Read more...