Unang nadiskubre ang mga abandonadong mga kemikal ng mga residente at barangay officials na iniwan sa Bgy. Malekkeg at itinago sa pamamagitan ng pagtapon sa mga ito ng mga dahon ng saging.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, napag-alaman na naglalaman ang mga container ng ethyl ether o chloroform na kung ipo-proseso kasama ang iba pang sangkap ay maaring makagawa ng 636,000 gramo ng shabu na may street value na 1.9 bilyong piso.
Hinala ng mga opisyal, posibleng bahagi ang mga kemikal ng naunang materyales na nakumpiska sa isang shabu laboratory sa bayan ng Lasam, Cagayan noong Pebrero at inabandona lamang sa area.
Sa naturang raid, aabot sa 3.5 bilyong pisong halaga ng kemikal at kagamitan ang nasamsam.