Kemikal na ginagamit sa shabu, inabandona sa Apayao

By Jay Dones August 07, 2016 - 09:36 PM

 

high-grade-shabuNasa 14 na drum ng kemikal na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad na inabandona sa isang sagingan sa bayan ng Marcela sa lalawigan ng Apayao.

Unang nadiskubre ang mga abandonadong mga kemikal ng mga residente at barangay officials na iniwan sa Bgy. Malekkeg at itinago sa pamamagitan ng pagtapon sa mga ito ng mga dahon ng saging.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, napag-alaman na naglalaman ang mga container ng ethyl ether o chloroform na kung ipo-proseso kasama ang iba pang sangkap ay maaring makagawa ng 636,000 gramo ng shabu na may street value na 1.9 bilyong piso.

Hinala ng mga opisyal, posibleng bahagi ang mga kemikal ng naunang materyales na nakumpiska sa isang shabu laboratory sa bayan ng Lasam, Cagayan noong Pebrero at inabandona lamang sa area.

Sa naturang raid, aabot sa 3.5 bilyong pisong halaga ng kemikal at kagamitan ang nasamsam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.