8 Maguindanao officials, lumantad sa Crame

By Jay Dones August 08, 2016 - 04:22 AM

 

camp-crameWalong mga lokal na opisyal mula sa lalawigan ng Maguindanao ang lumantad kay PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte at pag-utusan na sumuko sa loob ng 24 oras.

Ayon sa mga source ng Inquirer, pitong opisyal ang unang nang lumipad patungong Maynila Linggo ng umaga at agad na nagtungo sa Kampo Crame.

Sumunod sa unang pito si Mayor Rasol Sangki ng bayan ng Ampatuan na humarap din kay Dela Rosa isang araw bago mapaso ang 24-oras na ultimatum ng pangulo.

Si Sangki ay isa sa mga pinangalanan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa iligal na droga nang ianunsyo nito ang mga pangalan ng nasa mahigit isandaang personalidad kahapon ng madaling-araw.

Binalaan din ng pangulo ang mga sangkot umano sa narco-politics na sumuko sa loob ng 24-oras at kung hindi ay malalagay sa alanganin ang buhay ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.