EXCLUSIVE: Samar Judge na pinangalanan ni Pres. Duterte na sangkot sa droga, matagal nang patay

By Ricky Brozas August 07, 2016 - 02:26 PM

Photo from Samar News
Photo from Samar News

Walong taon nang patay ang isa sa mga hukom na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.

Si Calbayog City RTC Judge Roberto Navidad ng branch 32 ay pumanaw noon pang Enero ng 2008 nang ito’y barilin ng nag-iisang salarin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman ang pagkakakilanlan.

Si Navidad ay isa lamang sa mga pinangalanan ni Pangulong Duterte na sangkot sa ilegal na droga sa kanyang naging talumpati kagabi sa Davao City.

Batay sa imbestigasyon ni Eastern Visayas Police Director Chief Superintindent Abner Cabalquinto, bumibili lamang noon ng kanyang gamot si Navidad sa isang drug store sa panulukan ng Rosales Boulevard at Gomez Street malapit sa Nijaga Park sa Brgy. Central ng Calbayog City nang siya ay tambangan at mapatay ng salarin.

Bumuo naman ng Task Force Navidad ang mga pulis sa pangunguna ng noon ay Senior Superintendent na si Arcadio Lelis para ilunsad ang manhunt sa suspek pero hanggang ngtayon ay hindi pa rin ito nadadakip ng mga otoridad.

Si Navidad ay 69 na taong gulang nang mapaslang.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.