Pitong uri ng susbtances, isinama na ng PDEA sa listahan ng mga ipagbabawal na gamot

By Ricky Brozas August 07, 2016 - 02:06 PM

pdeaNagdagdag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng listahan ng pitung iba pang substances na kabilang sa dangerous drugs, batay sa rekumendasyon ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at Commission on Narcotic Drugs (CND).

Kabilang sa mga tinukoy ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ay ang mga sumusunod :

• ACETYLFENTANYL – na isang uri ng powerful painkiller na limang beses umanong mas mabisa kaysa sa heroin na ang epekto sa tao ay ang kawalan ng wisyo, hirap sa paghinga, mabagal na pagtibok ng puso at mababang blood pressure.

• MT-45 – isang uri ng piperazine derivative na maihahalintulad sa morphine na ang nagdudulot ng potent analgesic activity.

. PARA-METHOXYMETHYLAMPHETAMINE (PPMA) – isang uri ng droga na maituturing stimulant at pamalit sa ecstasy. Ang epekto nito ay halusinasyon at sobrang pagtaas ng temperature ng katawan na maaring ikamatay ng gagamit nito.

• Alpha-PYRROLIDINOVALEROPHENONE (a-PVP) – isang uri ng psychomotor stimulant na maaring magdulot ng cardiotoxicity, violent behavior at psychotic behavior;

• Para-METHYLAMINOREX (4,4’-DMAR) –isang uri ng synthetic stimulant at maituturing na potentially lethal designer drug;

• METHOXETAMINE (MXE) – bagong uri ng recreational drugna may hallucinogenic properties; at

• PHENAZEPAM – isang uri ng anti-convulsant, amnestic, muscle relaxant, at hypnotic drug na ang epekto ay mahimbing na pagtulog.

Dahil dito ay isasailalim na umano ng mga otoridad ang lisensiya ng mga naturang droga sa regulatory monitoring at import/export permit authorization at aarestuhin ang sinumang nag-iingat ng mga ganitong uri ng droga.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.