Sumugod sa tanggapan ng construction giant DM Consunji Inc sa Dacon Bldg sa Don Chino Roces ang nasa 20 Katao miyembro ng BMP o Bukluran ng Manggagawang Pilipino at PMCJ o Philippine Movement for Climate Change.
Hindi naman nagawang nakapasok sa compound ng opisina ng DMCI ang nasabing grupo. Sa halip ay sa kalsada na lamang isinagawa ang kanilang indignation rally.
Mariing kinundena ng grupo ang naganap na pagguho ng lupa sa Semirara open pit mining sa Semirara Island sa Antique. Ito anila ay patunay ng pang-aabuso n naturang kumpanya sa naturang lugar. May dati ng nangyaring landslide sa Semirara na kung saan 13 ang nasawi.
Naniniwala ang BMP at PMCJ na may sabwatang nagaganap para pagtakpan ang pananagutan ng DMCI.
Siyam na manggagawa ng minahan ang nasawi sa nasabing insidente.
Ang DMCI ay shareholder sa Semirara Mining and Power Corporation.
Nangakp ang DMCI na ipagkakaloob ang lahat ng tulong na kailangan ng mga naiwang kama-anak ng siyam na biktima ngunit ayon sa BMP at PMCJ, hindi ito sapat.
Ang Department of Energy ay nagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa naganap na landslide sa Semirara Mining./ Ruel Perez, Gina Salcedo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.