Ex-Cebu City Mayor Michael Rama, pinabulaanan ang alegasyong sangkot sa ilegal na droga

By Mariel Cruz August 07, 2016 - 01:29 PM

mike ramaMariing itinanggi ni dating Cebu City Mayor Michael Rama ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot siya sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ay matapos mapabilang ni Rama sa mga narco-politicians na pinangalanan ng pangulo.

Sa inilabas na pahayag sa kanyang Facebook account, sinabi ni Rama na handa siyang makipag-ugnayan sa anumang imbestigasyon na gagawin ng pulisya upang malinis ang kanyang nadawit na pangalan.

Umaasa ang dating alkalde na magkakaroon siya ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili at mapatunayan na inosente.

Gayunpaman, sinabi ni Rama na hindi siya susuko sa pulis kahit pa nangako na siya ng kooperasyon sa kahit anong imbestigasyon.

Iginiit din ng dating opisyal na ang pagpapangalan sa mga umano’y sangkot sa ilegal na droga ay dapat may kalakip na malakas na ebidensya.

Hinala ni Rama, kaya lamang siya napabilang sa listahan ng mga sangkot sa droga ay dahil pinangunahan nito ang oath taking ni Albuera, Leyte Mayor Ronald Espinosa, na una nang sumuko sa pulisya matapos idawit ni Duterte sa droga.

Ngunit itinanggi ng dating alkalde na kilala niya ng personal si Espinosa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.