Bilang ng kriminalidad sa Quezon City, bumaba

August 07, 2016 - 01:27 PM

QC city hallPatuloy ang pagbaba ng bilang ng krimen sa Quezon City.

Ito ay base sa ulat ni Quezon City Police District Police Chief Guillermo Eleazar sa ginanap na pagpupulong ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council.

Partikular na tinukoy ni Eleazar ang bumabang bilang ng car theft at carjacking incidents na mayroong apat na lamang na iniulat sa unang tatlong buwan ng 2016 kumpara sa labing isa na naitala sa kaparehong mga buwan noong 2014.

Una nang nabansagang “carnapping capital” ang Quezon City dahil sa dami ng bilang na napapaulat na pagnanakaw ng sasakyan simula noong taong 2000.

 

TAGS: Ricky Brozas, Ricky Brozas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.