Kinumpirma ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na nagpositibo sa drug test ang isa nilang konsehal.
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, kapwa nagpositibo sa initial test at confirmatory test sa ipinagbabawal ang isang konsehal ng lungsod na hindi niya muna pinangalanan.
Ang drug testing sa mga halal na opisyal ng QC ay bilang pagtalima sa memorandum ni Mayor Herbert Bautista at sa ilalim ng City ordinance na dapat ay Drug-free work ang Quezon City, kaya’t lahat ng empleyado at opisyal ay kailangan sumailalim sa pagsusuri.
Bukas, araw ng Lunes (August 8), ay isusumite ni Belmonte ang listahan kay Mayor Bautista hinggil sa mga nagpositibo sa drug test.
Ang alkalde na aniya ang bahalang magsagawa ng aksiyon hinggil sa mga nag-positive.
Si Vice Mayor Belmonte ay chairman ng QC Anti Drug Abuse Advisory Council.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
