Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang mabigyan ng hero’s burial si Marcos bagkus kwalipikado naman ang dating Presidente dahil dating isang sundalo.
Pero ayon sa NHCP, kwestiyonable ang pagiging sundalo ni Marcos.
Batay umano sa nakalap nilang dokumento, sinabi ng NHCP na fabricated o peke raw ang credential ni Marcos, partikular ang kanyang US medal of honor, order of the purple heart at iba pa.
Giit ng NHCP, mapapatunayan nila ang kanilang posisyon, batay na rin sa Guerrilla Unit Recognition Files mula 1942-1948 na nakuha nila sa Philippine Archives Collection.
Kaugnay nito, patuloy na kumakalap ng suporta ang isang online petition para pigilan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Noong buwan ng Mayo inilunsad sa website na change.org ang naturang kampanya.
Mahigit dalawampu’t anim na libong pirma na ang nakalap, subalit kulang pa ng walong libong lagda para maabot ang target na tatlumput limang libong susuporta sa petisyon.