NHCP, umalma sa planong paglilibing dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani

By Isa Avendaño-Umali August 07, 2016 - 11:20 AM

 

National_Historical_Commission_of_the_PhilippinesPumalag ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP sa planong paglilibong kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 18.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang mabigyan ng hero’s burial si Marcos bagkus kwalipikado naman ang dating Presidente dahil dating isang sundalo.

Pero ayon sa NHCP, kwestiyonable ang pagiging sundalo ni Marcos.

Batay umano sa nakalap nilang dokumento, sinabi ng NHCP na fabricated o peke raw ang credential ni Marcos, partikular ang kanyang US medal of honor, order of the purple heart at iba pa.

Giit ng NHCP, mapapatunayan nila ang kanilang posisyon, batay na rin sa Guerrilla Unit Recognition Files mula 1942-1948 na nakuha nila sa Philippine Archives Collection.

Kaugnay nito, patuloy na kumakalap ng suporta ang isang online petition para pigilan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Noong buwan ng Mayo inilunsad sa website na change.org ang naturang kampanya.

Mahigit dalawampu’t anim na libong pirma na ang nakalap, subalit kulang pa ng walong libong lagda para maabot ang target na tatlumput limang libong susuporta sa petisyon.

TAGS: dating Pangulong Ferdinand Marcos, National Historical Commission of the Philippines, dating Pangulong Ferdinand Marcos, National Historical Commission of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.