Mga kritisismo sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani, balewala kay Duterte
Balewala kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritisismo sa kanyang desisyon na pahintulutan ang ‘hero’s burial’ para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Paliwanag ni Duterte, pinapayagan na niya ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil kwalipikado naman aniya ang tinaguriang diktador, bilang dating Presidente ng Pilipinas at isang sundalo.
Sa katunayan aniya ay binoto niya si Marcos noong unang termino nito bilang Pangulo ng bansa.
Dagdag ni Duterte, kung ayaw ng ibang mga Pilipino, buo na raw ang kanyang pasya.
Banat pa ni Duterte, bahala na rin daw ang ibang mga tao kung mag-demonstrate o gumawa ng kilos-protesta, at pwede raw gamitin ng mga ito ang kalye kahit pa sa loob ng isang buwan.
Nauna nang kinumpirma ni dating Senador Bongbong Marcos na ililibing ang kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani sa September 18, 2016.
Ang bangkay ng matandang Marcos na nasa isang refrigerated crypt sa Ilocos Norte, mula pa noong 1990’s.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.