Mahigit 40 katao, sugatan matapos bumagsak ang railing sa concert ni Snoop Dogg sa US

Snoop Dogg
Inquirer file photo

Sugatan ang hindi bababa sa apatnapu’t dalawa katao matapos bumagsak ang isang railing sa concert ng Hollywood rapper na si Snoop Dogg sa New Jersey, USA.

Kasamang mag-perform ni Snoop Dogg ang kapwa hip-hop artista na si Wiz Khalifa nang bumagsak ang isang metal railing.

Nabatid na naging dahilan ng pagbagsak ng nasabing railing ang pagkakasandal dito ng mga nanonood ng concert.

Makikita sa ilang footage na kumalat sa social media ang mga concert-goers na umibabaw sa isa’t isa sa paanan ng stage matapos mabagsak .

Ayon kay Dan Keashen, New Jersey police spokesperson, halos lahat ng mga biktima ay tumamo ng baling buto at sugat sa ilang bahagi ng katawan.

Dahil sa insidente, agad na tinapos ang concert ng nasabing hollywood rapper.

Read more...