PH boxer Charly Suarez, talo sa pamamagitan ng split decision kontra Great Britain sa Rio Olympics

By Mariel Cruz August 07, 2016 - 10:24 AM

Charly Suarez
Inquirer file photo

Natapos na ang pangarap ng Filipino boxer na si Charly Suarez na makapag-uwi ng Olympic medal sa nagpapatuloy na 2016 Rio Olympics sa Brazil.

Ito ay makaraang talunin si Suarez ng Great Britain boxer na si Joseph Cordina sa pamamagitan ng split decision.

Dalawa sa tatlong hurado sa laban ang nagbigay ng iskor na pabor kay Cordina.

Ngunit ayon kay Suarez, naniniwala ito na siya ang nanalo sa dalawa sa tatlong rounds ng pagtutunggali nila ni Cordina pero iba aniya ang nakita ng mga hurado.

Sa kabila nito, tanggap naman ng 27 year old boxer mula Davao ang kanyang pagkatalo at naniniwala siya na may ibang plano sa kanya ang Diyos.

Sa ikalawa at ikatlong round, nagpakawala ng tig tatlong right hook si Suarez kay Cordina dahilan para magdiwang ang ilang Filipino supporters sa inakala nilang masusungkit ng pinoy boxer ang panalo.

Ayon kay Ed Picson, executive director ng Association of Boxing Alliances in the Philippines, mas naging agresibo si Suarez sa nasabing laban kumpara kay Cordina.

Hindi aniya nito maintindihan kung bakit ibinigay ng Uzbekistan judges ang tatlong rounds kay Cordina dahil malinaw na panalo si Suarez sa pangalawa at pangatlong round.

Sakaling nanalo si Suarez, sunod na makakalaban sana nito ay ang Uzbekistan boxer na si Hurahid Tujidaev.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.