Bulacan mayor na kasama sa pinangalanang ‘narco-politician’ ni Duterte, kusang nagpakita sa PNP
Lumutang sa Philippine National Police o PNP headquarters ang isa sa mga ‘narco-politicians’ na kabilang sa panibagong pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga sa bansa.
Humarap sa PNP sa Camp Crame si San Rafael, Bulacan Mayor Goto Violago ngayong araw para itinanggi ang nasabing alegasyon at linisin ang kanyang pangalan.
Ayon kay Violago, ikinagulat niya nang mabanggit ng pangulo ang kanyang pangalan na kabilang sa mga umano’y sangkot sa ilegal na droga.
Simula aniya nang pasukin nito ang pulitika, kabilang na siya sa mga lumalaban sa pagsugpo ng ilegal na droga, lalo na sa kanyang nasasakupan.
Sa katunayan ani Violago, nagawa na niyang magpasuko ng halos isang libong drug personalities sa San Rafael kamakailan.
Handa naman ang alkalde na humarap sa anumang imbestigasyon para malinis ang kanyang pangalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.