Backlog sa mga plaka ng LTO umabot na ng 7 milyon

car-license-plates-lto-philippines
Inquirer file photo

Magsasagawa na ang Land Transportation Office (LTO) ng emergency procurement para masolusyunan ang backlog sa mga plaka na umabot na sa 7 milyon sa kalagitnaan ng Hulyo.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante dapat bigyan ng pansin ang malaking bilang ng mga vehicle owners sa pagresolba ng nasabing backlog.

Una na dito, nag-isyu ang Commission on Audit (COA) ng notice of disallowance sa kontrata ng LTO sa Dutch-Filipino consortium na Knieriem B.V. Goes and Power Plates Development Concept Inc. (JKG-PPI) na nagresulta sa kakulangan ng mga plaka ng mga sasakyan.

Ayon sa desisyon ng COA ang kontrata sa pagitan ng LTO at JKG-PPI ay hindi sumunod sa mga itinakdang procedures sa ilalim ng Government Procurement Reform Act.

Nagbigay naman ng direktiba ang Department of Transportation (DOT) na i-review ang lahat ng posibleng opsyon sa pagresolba sa problema sa kakulangan ng mga plaka.

Sinabi ni DOT Spokesperson Cherie Mercado na nagbigay si Transport Secretary Arthur Tugade ng kauukulang utos kay Galvante na pag-aralan ang mga opsyon sa paghahanap ng local suppliers na makaka-meet ng mga kinakailangang requirements tulad ng paglalagay ng mga security features sa mga plaka.

Dagdag pa ni Mercado na nais ng DOT na masolusyunan sa lalong madaling panahon ang problema na hindi na naisasaalang-alang ang seguridad at matugunan ang ibinigay na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa availability ng mga plaka.

Read more...