Mahigpit na seguridad sa Rio Olympics inirereklamo pati ng mga atleta

Rio Olympics
AP

Umaabot sa 85,000 na mga tauhan ng militar at pulisya ang magbabantay sa kabuuan ng 2016 Rio Olympics na nagsimula ngayong umaga sa Rio De Janeiro sa Brazil.

Bukod sa isyu ng ekonomiya at naging usapin din ang security concerns ng ilang mga bansang nakibahagi sa nasabing sporting event.

Higit na mas marami ang mga itinalagang bantay sa mga sport events kumpara sa 2012 Londo Games.

Pero bago ang pagbubukas ng seremonya kanina, umabot sa mahigit sa 3,000 na mga demonstrador ang nag-rally sa harap ng Copacabana Palace Hotel kung saan tumutuloy ang mga opisyal ng Olympic Committee.

Kabilang sina French President Francois’ Hollande at Mauricio Macri ng Argentina sa hanay ng mga world leaders na present sa pagbubukas ng Olympics.

Umaabot naman sa $10 Billion ang pondong inilaan ni Brazilian President Dilma Rousseff para sa mga sporting facilities.

Ginanap ang opening ceremony kanina sa sikat na Maracana Stadium na sinaksihan 78,000 na mga sports spectators.

Ang sikat na Brazilian  singer na si Paulinho da Viola ang umawit ng kumanta ng kanilang national anthem.

Read more...