Malacañang tiwala na makakasungkit ng gold medal ang bansa sa olympics

By Den Macaranas August 06, 2016 - 09:56 AM

Pinoy Rio
Inquirer file photo

Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Pinoy sa Brazil na manood at suportahan ang mga laban ng mga Filipino athletes sa Rio Olympics.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, ito ay para mapataas ang morale ng mga atleta at makapag uwi ng karangalan sa bansa partikular na ng gintong medalya.

Una dito, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang send-off ceremony para sa Philippine delagates sa Olympics.

Umabot sa 85,000 ang present sa Rio Olympic ceremonies kanina na sinaksihan rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hanggang ngayon ay wala pang naiuuwing gintong medalya ang mga naunang Pinoy na sumabak sa Olympic games.

TAGS: andanar, Brazil, Rio Olympics, andanar, Brazil, Rio Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.