U.S Ambassador tinawag na “bakla” ni Duterte

By Chona Yu, Den Macaranas August 06, 2016 - 09:44 AM

duterte-goldberg
Inquirer file photo

Tinawag na “bakla” ni Pangulong Rodrigo Duterte si U.S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga sundalo sa Central Command (CentCom) sa Camp Lapu-Lapu  sa Cebu, sinabi ni Duterte na naasar siya kay Goldberg dahil sa pagbibintang sa kanya bilang isang lefties.

“Naaasar ako sa bakla na yan…nakiki-alam sa eleksyon…kaya nagpunta sa akin si (John) Kerry para umareglo”, ayon kay Duterte.

Inamin din ni Duterte na nag-bigay sa kanya ang pamahalaan ng U.S ng $33 Million na gagamitin naman niya sa pambili ng dagdag na gamit para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Muling tiniyak ng pangulo na sa susunod na taon ay magiging doble na ang sweldo ng mga sundalo sa bansa.

TAGS: duterte, goldberg, Kerry, duterte, goldberg, Kerry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.