Pilipinas, isa sa mga “terrorist nations” ayon kay Trump

By Kabie Aenlle August 06, 2016 - 05:19 AM

(Photo by Chris Pizzello/Invision/AP, File)
(Photo by Chris Pizzello/Invision/AP, File)

Binanatan na naman ni Republican presidential candidate Donald Trump ang mga immigrants.

Kinukumbinse niya kasi ang kaniyang mga taga-suporta na dapat nang pagbawalang pumasok sa Estados Unidos ang mga Somalis at iba pang refugees mula sa iba’t ibang tinukoy niyang “terrorist nations.”

Kabilang sa kaniyang listahan ng “terrorist nations” ay ang Afghanistan, Iraq, Morocco, Pakistan, Somalia, Syria, Uzbekistan, Yemen, at ang Pilipinas.

Mula aniya sa mga nabanggit na bansa ang mga naarestong immigrants na nagsasagawa ng karahasan, nagtuturo sa paggawa ng bomba at sumusuporta sa iba pang terrorist groups.

Inihalintulad niya pa ang pagpasok ng mga immigrants lalo na ng mga Somalis sa Trojan horse na maaring maging dahilan ng pagpasok ng Islamic State extremist group sa U.S. habang nagpapanggap na refugees.

Giit ni Trump, dapat nang itigil ang ganitong gawain sa Amerika dahil wala naman silang ideya kung sino ang kanilang mga pinapapasok sa kanilang bansa.

Matatandaang umani ng batikos si Trump noong Disyembre nang manawagan siya ng temporary ban sa pagpapapasok ng mga Muslim sa U.S.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.