Laban kontra dengue, dapat mas paigtingin – DOH

By Kabie Aenlle August 06, 2016 - 05:14 AM

Dengue_1Muling naglabas ang Department of Health (DOH) ng paalala laban sa posibleng pagtaas pa ng dami ng mga kaso ng dengue ngayong panahon ng tag-ulan.

Panawagan ni DOH spokesman Eric Tayag, dapat maging mas maingat na ang mga tao ngayon at alamin kung saan maaring magtago o mamuhay ang mga lamok na may dalang dengue.

Ani Tayag, ang layunin ngayon ay maalis na ang lahat ng mga banta ng dengue sa pamamagitan ng mga pangontrang inilunsad tulad na lamang ng dengue vaccine.

Mula buwan ng Enero hanggang July 2, umabot na sa 59, 585 ang kaso ng dengue na naitala ng DOH Epidemiology Bureau na 31 percent na mas mataas kumpara sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Pinakamaraming naitalang kaso sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Rizal, Quezon).

Para makaiwas sa dengue, dapat iwasan ang mga pinamumugaran ng mga lamok tulad ng mga naka-tiwangwang na tubig at maruruming lugar na puro tambak, sa pamamagitan ng palagiang paglilinis ng paligid.

Mainam ring gumamit ng mga spray kontra lamok o kaya mga insect repellent at magsuot ng mahahabang damit para makaiwas sa kagat ng lamok.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.