Nagpanggap na talent scout, timbog sa pagnanakaw

By Kabie Aenlle August 06, 2016 - 05:11 AM

arrestedArestado ang isang lalaking nagpanggap na talent scout matapos niyang bigyan ng droga ang isang lalaking modelo at nakawan ito.

Ayon sa biktima, inalok siya ng suspek na nakilalang si Palermo Binondo Jr. ng isang raket sa pamamagitan ng text at nakipagkita ito sa isang mall bago siya dalhin sa isang motel sa Pasig.

Habang nag-uusap sila ay pinainom umano siya nito ng alak at gamot, at doon na niya naramdaman ang pananakit ng ulo at pagbigat ng kaniyang pakiramdam.

Nang mahilo na nang tuluyan at mawala na sa huwisyo ang biktima, tinangay na ng suspek ang bag, cell phone, wallet, kabuuang P10,000, HK$100 at £20.

Naaresto ng mga pulis si Binondo sa harap ng isang mall sa Ortigas, at nabawi rin ang mga gamit ng biktima maliban sa kaniyang pera.

Nasabat rin mula kay Binondo ang isang bote ng tranquilizer at Clonazepam na kilalang pampatigil ng pangingisay na posibleng ginamit niya sa biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.