Rio Olympics opening ceremony, magsisimula na mamaya

By Kabie Aenlle August 06, 2016 - 03:37 AM

rio olympicsMagbubukas na ang 2016 Rio Olympics sa Brazil.

Nakatakdang ganapin ang opening ceremony ng Olympics sa Maracanã Stadium sa Rio de Janeiro, Brazil, Biyernes ng gabi doon at alas-7 ng umaga ng Sabado dito sa Pilipinas.

Inaasahang magiging masigabo ang programang sasalubong sa halos 15,000 na atleta mula sa 204 na iba’t ibang bansa, kabilang na ang 13 mula sa Pilipinas.

Sasabak agad sa laro ang boksingero ng Pilipinas na si Charly Suarez, swimmer na si Jessie Khing Lacuna at tablenetter na si Ian Lariba wala pang 12 oras pagkatapos ng grand opening ceremony sa Maracaña.

Si Lariba na first-time Olympian ang magdadala ng watawat ng Pilipinas sa pag-parada ng mga atleta sa stadium.

Bukod sa kanilang tatlo, bubuuin rin hurdler na si Eric Cray, swimmer na si Jasmine Alkhaldi, boksingerong si Rogen Ladon, weightlifters na sina Nestor Colonia at Hidilyn Diaz, long jumper na si Marestella Torres, marathoner Mary Joy Tabal, Kristie Elaine Alora para sa taekwondo at ni Kodo Nakano para sa Judo ang ating 13-man athletic team.

Ang nakatakda namang mag-sindi ng Games cauldron ay ang sikat na retired football player ng Brazil na si Pele.

Kabuuang 22,500 na Army at Forca Nacional soldiers ang nakakalat naman para bantayan at tiyakin ang seguridad sa Olympics.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.