Para masabing hindi naghihirap, P4,227 kailangang idagdag sa minimum wage ng manggagawang Pinoy

By Len Montaño August 05, 2016 - 04:18 PM

BPOKailangang madagdagan ng P4,227 ang minimum wage sa Pilipinas para makapamuhay ang mga manggagawa lampas sa poverty level.

Ayon kay Associated Labor Union (ALU) Spokesperson Alan Tanjusay, dapat ay nasa mahigit apat na libo ang dagdag sa minimum na sweldo kada buwan sa National Capital Region (NCR).

Habang ang mga manggagawa sa labas ng Metro Manila ay kailangan ng dagdag na mahigit anim na libong piso.

Batay sa datos ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng grupo ni Tanjusay na nasa P12,517 per month o P417.23 per day ang kailangang national standard amount para maka-survive ang pamilya na may limang miyembro.

Una namang sinabi ng NEDA na base sa kasalukuyang kundisyon sa bansa, ang simple at komportableng buhay ay kailangang mayroong gross monthly income na P120,000 kada pamilya na may apat na miyembro.

Pero puna ng grupo, sa data ng Central Bank, ang P491 daily minimum wage ay katumbas ng buying power na P367.17 kada araw o P9,546.42 per month sa NCR.

Samantalang ang average purchasing power ng daily minimum wage sa labas ng Metro Manila ay P250.67 kada araw o P6,517.42 kada buwan.

 

 

 

TAGS: minimum wage, minimum wage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.