Shabu, itinago sa loob ng lata ng sardinas sa kulungan sa Negros

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2016 - 04:06 PM

shabuPitong sachet ng hinihinalang shabu ang natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency na itinago sa loob ng lata ng sardinas sa Negros Occidental District Jail.

Nakita ang mga shabu habang nagsasagawa ng Operation Greyhound sa biangguan.

Ayon kay Supt.Amelito Fuentes, Jail Provincial Administrator, nagsagawa sila ng inspeksyon sa kulungan matapos makatanggap ng ulat na may bentahan ng shabu na nagaganap sa pagitan ng mga preso.

Nang halughugin ang bawat selda at ang buong pasilidad, natuklasan ang isang lata ng sardinas sa garden.

At nang buksan ang lata ng sardinas, nakita ang dalawang medium sachets at limang small sachets ng shabu sa loob nito.

Hinala ng mga tauhan ng BJMP, nataranta ang presong may-ari ng shabu kaya itinapon na lamang sa garden ang lata ng sardinas nang malamang may gagawing inspeksyon.

 

 

TAGS: shabu inside a can of sardines found inside negros jail, shabu inside a can of sardines found inside negros jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.