Mga kaso ng salvage sa mga drug pusher, paiimbestigahan ni Pangulong Duterte

By Jay Dones August 05, 2016 - 04:34 AM

 

duterte12Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga insidente ng salvage na isinasagawa sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis sa mga hinihinalang tulak ng droga sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa pagharap nito sa mga dumalo sa Mindanao Environment Summit kahapon.

Ayon kay Pangulong Duterte, sigurado siyang may mga nahahalong mga kaso ng pagliligpit sa mga suspek ng mga alagad ng batas at handa niya itong paimbestigahan.

Kasabay nito, nagbanta rin ang Pangulo na magtutuluy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga mapapatay na drug suspects kung patuloy ang mga ito na manlalaban sa mga otoridad.

Kahit batid niya aniyang may hindi pumapabor sa paraan ng pagsugpo ng iligal na droga, mas marami aniya ang makikinabang dahil hindi na masisira ang mga pamilyang Pilipino sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.