Pilipinas hahatiin sa 12  ‘federal states’

By Jan Escosio August 05, 2016 - 04:27 AM

 

nene pimentelSinabi ni dating Senador Aquilino Pimentel na sa naiisip niyang ideya ng federal system, mahahati ang Pilipinas sa 12 estado.

Sa public forum sa senado ukol sa pederalismo, sinabi ni Pimentel na ang Luzon ay hahatiin sa apat na federal states, Northern Luzon, Southern Luzon, Central Luzon at Bicol.

Ang Metro Manila aniya ay ang federal state capital o federal state administration.

Ang Visayas ay hahatiin sa tatlo, Eastern, Central at Western.

Gayundin ang Mindanao, Northern, Southern at Bangsamoro, kung saan ipapatupad ang ‘Sharia law’ o ang batas ng Muslim.

Bukod pa dito ang federal state of Mimaparom na bubuuin ng Mindoro, Marinduque, Palawan at Romblon.

Sa nasabi rin sa forum na bahagi ng serye ng senate centennial lecture, ipinaliwanag ni Pimentel na ang Sharia law ay sa mga Muslim lang ipapatupad at kapag ibang relihiyon ang lumabag sa batas sa Bangsamoro state ay ang national law ang gagamitin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.