Sisimulan na kasi nila sa Lunes ang paglilipat ng kanilang isang ektaryang impound site sa San Isidro, Tarlac City.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, dadalhin na doon ang mga sasakyang nasa kanilang main office ngayon sa East Avenue, Quezon City upang mapaluwag na ang kanilang apat na ektaryang compound.
Sa ngayon ay nasa 150 hanggang 200 na iba-ibang sasakyan ang nasa kanilang main office, at hindi na ito mapasukan ng iba pang sasakyan dahil sa sikip.
Nagsasanhi na rin ng mabigat na trapiko ang siksikan sa kanilang opisina dahil hindi agad makapasok ang mga sasakyan sa kanilang compound.
Ani pa Galvante, balak nilang ilaan na sa iba pang mga transaksyon ang kanilang main office tulad ng mga vehicle inspections.
Bukod sa multa dahil sa mga paglabag, magbabayad rin ang mga may-ari ng storage fee na nasa P150 hanggang P1,000 kada araw, at ang halaga ng paglipat ng mga sasakyan sa Tarlac.
Paalala niya pa, ang mga sasakyang hindi tutubusin sa loob ng susunod na anim na buwan ay isusubasta na.