2 hinihinalang drug pushers, patay sa Zamboanga City at Agusan del Sur

By Kabie Aenlle August 05, 2016 - 04:26 AM

 

Mula sa wikipedia

Parehong nasawi ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Zamboanga City at Agusan del Sur kahapon.

Pasado alas-10 ng gabi ng Huwebes nang mapatay sa isang drug buy-bust operation sa Brgy. Mampang, Zamboanga City ang suspek na si Popoy Hipolito.

Binentahan umano ni Hipolito ang isang police asset, at nang matunugan niya ang presensya ng mga pulis, nakipagbarilan na ito na siyang kaniyang ikinamatay.

Narekober sa kaniya ang isang .38 caliber na revolver at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala sa Agusan del Sur naman, isa ring hinihinalang drug pusher na kinilalang si Raniel Tubog ang napatay naman sa Brgy. Poblacion.

Ayon sa mga pulis, binaril ng isang hindi pa nakikilalang suspek si Tubog, na nakatakas kasama ang dalawa pa nitong kasamahan.

Si Tubog rin ay kabilang sa drug watchlist ng mga pulis, at una nang sumuko sa Oplan Tokhang ngunit bumalik rin sa kaniyang bisyo ng paggamit at pagtutulak ng droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.