Roadmap for peace, inilatag sa international community
Inilatag na ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa international partners ang road map for peace and development na isinusulong ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Layunin ng Peace Road Map na maselyuhan na ang usaping pangkapayapaan na ilang dekada nang naging mailap sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa mandaluyong City kahapon, iginiit ni Dureza na hindi lang dapat mga hakbang tungo sa kapayapaan ang isusulong kundi dapat kaakibat nito ang usapang pag-unlad.
Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa tinatahak na pace roadmap ng Duterte administration ang International Alert, Japan International Agency, The Asia Foundation, International Committee of the Red Cross at United Nations Development Program.
Itinakda naman sa Agosto 13 hanggang 14 ang pagsisimula ng pag-uusap ng MILF at Government peace panel sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan ilalatag ang bagong panukalang batas o enabling law para sa nalagdaan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.