Batas sa pagmimina, pinasisiyasat nang maigi ng DENR
Isang pagtataksil sa bayan.
Ganito inilarawan ni Environment Sec. Gina Lopez ang pag-pasa ng 1995 Philippine Mining Act na nagbukas ng 100 percent foreign ownership sa minahan sa Pilipinas.
Dahil dito, mismong si Lopez ang nababalak na manguna para siyasatin ang nasabing batas.
Ayon kay Lopez, nakasaad sa Konstitusyon na pag-aari ng estado ang mga yamang mineral na matatagpuan dito kaya pag-aari ito ng mga tao.
Ngunit dahil sa batas na ito, halos libreng tinatangay ng mga dayuhang kumpanya ang mga mineral ng Pilipinas, kaya oras na para baguhin ito at ihanay sa interes ng mga Pilipino.
Nanawagan rin si Lopez na isara ang Claver Minerals Development Corp. sa Surigao del Norte dahil sa mga paglabag nito sa mga batas pangkalikasan.
Isinasailalim na rin sa environmental audit ang mga malalaking kumpanya na Taganito Mining Corp. at Greenstone Resources na pawang mga nasa Surigao del Norte, pati na ang Sagittarius Mines Inc. na nasa South Cotabato naman.
Inaasahang isusumite ang resulta ng audit sa loob lamang ng isang linggo. t Corp. sa Surigao del Norte dahil sa mga paglabag nito sa mga batas pangkalikasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.