Bayaning bumbero, nasawi matapos sagipin ang mga pasahero ng nag-crash na Emirates flight

By Kabie Aenlle August 05, 2016 - 04:25 AM

 

Twitter/Khaleej Times

Daan-daang buhay ng mga pasahero ang isinagip ng isang Arabong bumbero sa nag-crash na eroplano ng Emirates sa Dubai National Airport kapalit ng sarili niyang buhay.

Ayon sa ulat ng The Mirror, nagawa ng bumberong si Jasim Issa Mohammed Hassan na mailigtas ang buhay ng nasa 300 katao, ngunit siya naman ang nasawi.

Nagtamo ng mga matinding pinsala sa katawan si Hassan matapos tumulong na apulahin ang sunog sa kasagsagan ng rescue operations.

Dahil sa kaniyang tulong, lahat ng nasa eroplano, kabilang na ang 282 na fliers at 12 cabin staff, ang nakalabas nang buhay mula sa nasusunog na eroplano.

Matapos mailabas lahat ng tao, biglang sumabog ang eroplano at doon nasawi si Hassan.

Isang araw matapos ang insidente ay nagbigay-pugay sa kaniyang kabayanihan ang General Civil Aviation Authority.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.