Kanang kamay ni Kerwin Espinosa, patay sa buy-bust ops

File photo

Patay ang hinihinalang kanang kamay ng big time drug suspect na si Kerwin Espinosa, anak ni Albuera, Leyte Mayor Roland Espinosa, sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Cebu City.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang suspek na si Julito Prak matapos umanong makipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) sa Sitio Senior San Roque, Brgy. Hipodromo sa Cebu City.

Ayon sa opisyal ng PDEA na si Yogi Ruiz, dinala pa si Prak sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, ngunit idineklara ring dead on arrival.

Ani pa Ruiz, si Prak ang nakatokang magdala ng mga iligal na droga mula sa Cebu patungong Leyte na kinaroroonan ni Kerwin.

Nasamsam mula kay Prak ang isang .38 caliber na revolver, 50 gramo ng shabu na tinatayang may halagang P300,000, pati na ang P100,000 marked money na ipinangbayad sa transaksyon.

Read more...