3 mayor mula sa Lanao del Sur tinutugis na ng PNP dahil sa droga
Tatlong mga alkalde mula sa ilang mga bayan sa Lanao Del Sur ang subject ngayon ng malawakang manhunt operations ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Sinabi ni Philippine National Police – Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) Director C/Supt. Agripino Javier na may inilaan na ring rewards ang ilang mga concerned groups para sa ikadarakip ng nasabing mga local officials na hindi muna niya pinangalanan.
Aabot sa P100,000 ang pabuya sa sinumang makakapagturo sa bawat isa sa mga hinahanap na alkalde ayon sa pahayag ni Javier.
“May dalawa lamang silang pagpipilian sa kasalukuyan…ang sumuko o mapatay sa engkwentro kapag sila’y lumaban”, ayon sa opisyal ng PNP.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hawak na niya ang lisatahan ng ilang mga local officials na protektor ng mga sindikato ng droga sa bansa.
Sa isang panayam ay sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na hawak na rin nila ang kopya ng nasabing listahan pero tumanggi siyang ihayag ito sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.