40 kilo ng bigas isasama sa CCT program ng gobyerno

By Jan Escosio August 04, 2016 - 03:00 PM

NFA rice
Inquirer file photo

Suportado ni Sen. Kiko Pangilinan ang plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan kada buwan ng 40 kilo ng bigas ang lahat ng mga benepisaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) program.

Ayon kay Pangilinan, pinuno ng Senate Committee on Agriculture and Food na kung maipapatupad ng maayos ang bagong sistem ay 4.4 milyong pamilya ang makikinabang sa planong ito ng DSWD.

Dagdag pa ng dating presidential assistant on food security and agricultural modernization na makakatulong din ito sa pinansiyal na kondisyon ng National Food Authority (NFA).

Dagdag pa ni Pangilinan,  sa P33 kada kilo ng NFA rice ay bibili ang DSWD ng P5.8 Bilyon halaga ng bigas kada buwan.

Naunang inanunsiyo ni Social Welfare Asec. Hope Hervilla na libreng bigas ay bahagi ng plano ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya sa bansa na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

TAGS: CCT, nfa, pangilinan, rice aloocation, senate, CCT, nfa, pangilinan, rice aloocation, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.