4 na sundalo ng Philippine Army, sibak sa serbisyo dahil sa paggamit ng droga

By Ruel Perez August 04, 2016 - 10:06 AM

Philippine ArmyIpinoproseso na ngayon ng pamunuan ng Philippine Army (PA) ang pagsibak sa serbisyo sa apat na sundalo na nagpositibo sa confirmatory dug test.

Tumanggi namang pangalanan muna ni Army Spokesperson Col. Benjamin Hao ang apat na sundalo pero kabilang umano sa mga ito ay may ranggong staff sergeant at tatlong corporals.

Tiniyak naman ni Hao na isasapubliko nila ang pangalan sa mga susunod na araw.

Ani Hao, walang puwang sa kanilang organisasyon ang mga adik o lulong sa droga.

Labingtatlong sundalo ang inisyal na nagpositibo sa sorpresang drug test na isinagawang Phillipine Army noong July 5, kung saan aabot sa 2,500 ang pinagsumite ng samples at sinuri.

Ang mga ito ay pawang naka-base sa Fort Bonifacio saTaguig City.

Ang labingtatlo ay sumailalim sa confirmatory test at apat sa kanila ang muli ngang nagpositibo.

 

 

TAGS: Philippine Army, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.