Luzon grid, isinailalim muli sa yellow alert

NGCP-towerMuling isinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng NGCP, tatagal ang yellow alert sa Luzon grid sa loob ng anim na oras o mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP, ang available capacity ngayon ay nasa 9,895 megawatts at aabot naman sa 9,128 megawatts ang peak demand.

Para naman maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout, pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Partikular na maaring gawin ang pag-set ng air condition units sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator ay nakasarang mabuti at iwasan ang pagbubukas-sara nito.

Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.

 

 

Read more...