Athletes Village sa Rio de Janeiro Brazil, binulabog ng bomb scare

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2016 - 08:22 AM

Photo from Inquirer Sports Editor Teddyvic Melendres
Photo from Inquirer Sports Editor Teddyvic Melendres

(UPDATE) Binulabog ng bomb scare ang bahagi ng lugar na pagdarausan Rio Olympics sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Isang oras na isinara at kinurdunan ang Athletes’ Village na tinutuluyan ng mga kalahok na atleta para suriin sa bomba.

Isang malaking bag kasi ang iniwan sa madilim na bahagi ng Athletes’ Village partikular sa Welcome Center, dahilan pra magtaas ng bomb alert.

Dahil dito, daan-daang atleta at kanilang coaches kasama na ang mga miyembro ng Philippine team ang hindi agad nakabalik sa compound.

Nagtalaga din ng bomb-sniffing robot ang mga otoridad at pansamantalang pinalikas ang mga nasa center.

Isang oras matapos ang pag-iinspeksyon, idineklarang “clear” sa bomba ang lugar at saka lamang napayagan ang mga atleta at mga coach na makapasok at makakain ng hapunan.

 

TAGS: Bomb alert in Athletes Village, Bomb alert in Athletes Village

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.