Tatlong hinihinalang drug pusher, patay sa Plaridel, Bulacan

Kuha ni Jong Manlapa
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang tatlong hinihinalang drug pusher matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang operasyon sa Plaridel, Bulacan.

Kinilala ang mga napatay na si Jerax Desiderio na lider umano ng “Jerax Desiderio drug group” na nag-o-operate sa Bulacan at Caloocan at dalawang miyembro nito na sina alyas Gapur at alyas Edison.

Aabot sa humigit-kumulang 400 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon ang nakuha ng mga tauhan ng PNP Region 3 mula sa tatlong suspects.

Ayon kay Supt. Edwin Quilates, hepe ng CIDG Region 3, nagpanggap ang isa nilang asset na bibili ng shabu sa mga suspek pero nakatunog umano ang mga ito at nanlaban.

Doon na nauwi sa shootout ang transaksyon na agad ikinasawi ng mga suspek.

Nakuha din sa mga suspek ang kalibre 45 at 38 caliber na baril.

 

Read more...