Dalawa patay sa umano’y ‘vigilante killing’ sa Pasay at Maynila

By Jong Manlapaz August 04, 2016 - 04:15 AM

 

dead pasayUmatake muli ang mga vigilante sa Metro Manila, sa pagkakataong ito dalawa ang napatay sa bahagi ng Pasay at Manila na parehong iniwanan ng karatula na may nakasulat na babala.

Una nang naging target ng vigilante group ang isang lalaking hindi pa mabatid na pagkakilanlan na nasa 40 hanggang 45 taong gulang  na naglalakad sa FB Harrison at Don Benito Hernandez Bgy., 76, Zone 10 Pasay city nang tambangan ng anim na katao na sakay ng apat na motorsiklo.

Sa crime scene nakakuha ng  sampung basyo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at ang karatula na may nakasulat na “Magnanakaw adik ako wag tularan”.

Sa may bahagi naman ng Beata, Pandacan, Manila, pinasok ng apat na katao na pawang mga nakasuot na bonnet  ang bahay ni Faye Feliciano, nagkataon naman na lumabas ito at naiwan ang kanyang ka-live in partner na si Terry Cayubit, 34 yrs. old at siya ang tinambangan ng mga suspek.dead pasay aug4

Ayon kay Beata PCP Commander Sr. Insp. Arnold Lising, ang napatay na biktima ay kilalang pusher na nagbabagsak ng droga sa may bahagi ng Sta. Mesa, Manila.

Maging ang nakaligtas na si Faye ay nasa watchlist nila at pinasusuko na nila sa Oplan Tokhang.

Sa imbestigasyon lumalabas na nasa walo ang suspek, ang apat na naka helmet ay nag-drive ng motorsiklo habang ang apat na nakabonet ang siyang pumasok sa looban para patayin ang biktima.

Sa tabi ni Terry Cayubit nakita ang isang punit na karatula na may nakasulat na “huwag ako tularan, pusher ako.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.