Dayuhang hindi sinipot ng kanyang online GF, 10 araw na nag-abang sa paliparan

By Jay Dones August 04, 2016 - 04:11 AM

Inquirer.net/Weibo

Sampung araw na naghintay ang isang lalaking dayuhan sa loob mismo ng paliparan sa China makaraang hindi ito siputin ng babaeng kanya umanong nakilala at naging girlfriend sa internet.

Kahit nanghihina na sa gutom at pagod, hindi pa rin umalis sa loob ng Changsha Huanghua International Airport sa Hunan province ang dayuhan pangambang hindi sila magkita ng kanyang hinihintay na pinakamamahal na nobya.

Ang larawan umano ni Ms. Zhang Inquirer.net/Weibo

Ayon sa report ng BBC, una nang nakilala ng 41-anyos na si Alexander Pieter Cirk na tubong Holland ang 26-anyos na Chinese na si Ms. Zhang sa internet may dalawang buwan na ang nakalilipas.

Dito, naging magnobyo umano sila hanggang sa makumbinsi si Cirk na lumipad patungong China upang sila’y personal na magkita.

Gayunman, hindi nagpakita ang babae sa takdang araw ng pagdating ni Cirk sa paliparan.

Sampung araw na ang nakalipas, nanatili sa airport si Cirk at nakumbinsi lamang na magpa-ospital at bumalik sa kanilang bansa ng mga airport personnel dahil sa sobrang kapaguran at panghihina.

Ayon naman sa babae, hindi niya nagawang magpakita sa dayuhan dahil nagpapa-‘plastic surgery’ siya ng mga panahong nasa airport ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.