Hindi na makakauwi pa ng buhay si SPO4 Edmar Bumagat matapos itong mapatay ng nasawi ring suspek na si Angelo Tampos na sisilbihan sana niya ng warrant of arrest sa may bahagi ng Constancia Street, Brgy. Olympia, Makati City.
Sinabi ni Sr. Insp. Ronald Saquilayan, hepe ng Criminal Investigation Section ng Makati City police, maghahain lamang sana ng warrant of arrest si SPO4 Bumagat sa suspek na si Tampos agad itong binaril ng suspek.
Nang makita ng kanyang mga kasamahan na bumalagta na si SPO4 Bumagat, agad nang pinaputukan ng mga operatiba ang suspek na ikinasawi nito.
Nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Rico Sebastian Liwanag ng Makati RTC Br.136 laban sa suspek na si Tampos dahil sa kaso nitong murder noong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.