10 bayan sa Pangasinan, lubog sa tubig baha

July 20, 2015 - 07:14 AM

Calasiao Central School Pearl Angel Samad edited
Calasiao Central School, kuha ni Pearl Samad

Bagaman gumanda na ang panahon ngayong araw, 10 bayan pa rin sa lalawigan ng Pangasinan ang nakararanas ng pagbaha.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Avenix Arenas, tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na umabot ng dalawang linggo ang naranasang pag-ulan sa Pangasinan.

Ito aniya ang dahilan kaya tumaas ang tubig sa mga ilog sa lalawigan.
“Mayroon tayong sampung bayan sa Pangasinan na mayroong mga barangay na lubog sa baha, catch basin po kasi ang Pangasinan ng tubig ulan mula sa bundok,” ayon kay Arenas.

Sinabi ni Arenas na kabilang sa mga bayan sa Pangasinan ang mayroon pa ring mga barangay na lubog sa tubig baha ang mga sumusunod: Calasiao – 17 Barangay, Sta. Barbara – 10 Barangay, Alaminos – 3 Barangay, Agno – 4 na Barangay, San Fabian – 3 Barangay, Bolinao – 7 Barangay, Asingan – 6 na Barangay, Aguilar – 3 Barangay, Bayambang – 2 Barangay at sa Mabini – 5 Barangay.

Sa kabuuan, umaabot sa 60 pa ang bilang ng mga barangay na lubog sa tubig baha sa lalawigan.

Apat na ang unang napaulat na nasawi sa Pangasinan dahil sa nasabing pagbaha.

Pero ayon kay Arenas kahapon ay may naireport sa kanilang tanggapan na isang nasawi dahil sa pagkalunod sa Urdaneta City.

Pinaghahanap pa rin ang 11 mangingisda mula sa Infanta, Pangasinan na inulat na nawawala sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan. /Dona Dominguez -Cargulo, Stanley Gajete

TAGS: calasiao pangasinan, pangasinan flood, Radyo Inquirer, calasiao pangasinan, pangasinan flood, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.