3 sundalo sugatan sa pananambang sa Basilan

 

Inquirer file photo

Tatlong miyembro ng  Philippine Army ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na engkwentro sa lalawigan ng Basilan.

Sa unang engkwentro, dalawang sundalo ng 14th Special Forces Company ang nasugatan nang tambangan sila ng mga armadong kalalakihan sa Immaculate Heart of Mary Parish Church sa bayan ng Maluso dakong alas 3:30 ng madaling-araw.

Gayunman, habang ibinabyahe ang mga sundalo, muli silang niratrat ng mga armadong suspek dakong alas 3:50 ng umaga kung saan isa pang sundalo ang tinamaan ng bala.

Hinala ng Western Mindanao Command, mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang pasimuno ng pananambang.

Read more...