Dating opisyal ng PSE at apat na iba pa, pinakakasuhan ng DOJ
Inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsusulong ng kasong syndicated estafa laban sa dating assistant head of market education ng Philippine Stock Exchange (PSE) at apat na iba pa na nasasangkot sa P100-million investment scam.
Nahaharap sa naturang kaso ang mga akusadong sina Joe Cecilio ‘Jay’ Peñaflor at ang mga kapatid nitong sina Angelo, John Benedict Aguzar, Rafael Sigua at Michael Rosales.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Joyce Marie Jao na nagsabing inengganyo siya ng mga suspek na mag-invest ng 4 na milyong pisong halaga ng stocks sa ABS-CBN Corp. kapalit ng pangakong 50 porsiyentong interes.
Gayunman, lumitaw na hindi otorisado ang mga suspek na magsagawa ng stock trading activities kaya’t napako ang pangakong ng mga ito sa complainant.
Walang piyansang inirekomenda ang DOJ para sa apat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.